Rita Gaviola, Maluha Luha Sa Kanyang Live Selling Matapos Pahuyan Ng Mga Netizens Na Bumalik Sa Panglilimos!

Martes, Oktubre 31, 2023


Hindi mapigilan ng ex-pbb housemate na si Rita Gaviola o mas kilalang Badjao Girl na maging emosyonal.


Sa isa sa kanyang live selling matapos siyang insultuhin ng mga manonood at pinayuhan siyang bumalik sa pamamalimos sa halip na magbenta ng kahit ano sa tiktok.


Nakuha ng mga bashers ang atensyon ni Rita habang nag-live selling kaya naman hindi niya ito pinalampas. Makikitang umiiyak si Rita dahil sa mga panlalait na natanggap at sinagot niya sa kanyang mga bashers.



Sagot ni Rita, "Oo, i-bash niyo ko. Nilalait niyo ko na babalik ako sa pamamalimos, dun na lang? Kahit na bumalik ako sa pamamalimos ko, proud ako na naghirap ako. Dumaan ako sa magandang proseso diba?"


"Sinasabi niyo sa akin na bumalik ako sa pamamalimos ko? Bakit? Alam niyo yung pinagdadaanan ko? Sinasabi ko sa inyo lait-laitin niyo ko ng pagiging Badjao ko, proud ako."


Pagkatapos ng live selling ni Rita, nag-post siya sa kanyang social media account at nagpasalamat sa mga taong nagpahayag ng concern sa kanya matapos ang mga panlalait na natanggap niya sa live selling.



Ipinaliwanag din ni Rita na sobrang below the belt ang sinasabi ng ilang tao kaya hindi niya mapigilang umiyak.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento