Reaksyon Ni Paolo Contis Sa Kasal Ni Lj Reyes at Philip Evangelista Sa New York!

Lunes, Oktubre 9, 2023


Matapos ikasal si Lj Reyes sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Philip Evangelista, binalikan ng mga netizens ang panayam ni Paolo Contis kaugnay ng reaksyon nito sa pagpapakasal ng ex-girlfriend niyang si Lj Reyes.


Ayon kay Paolo Contis, masaya siya dahil nakahanap na si Lj ng magmamahal sa sa kanya.


Ayon pa kay Paolo "I am very happy for her, nakita na niya ang pag-ibig and I don't have anything bad to say. She has the right to be happy, karapatan niya iyon and I am very happy for her."



Matatandaang naging emosyonal si Lj Reyes nang mawalay siya kay Paolo Contis dahil nakatira silang dalawa kasama ang kanyang mga anak.


Isa pa sinabi ni Lj kay Boy Abunda na hindi mutual decision ang paghihiwalay nila. Naramdaman daw ni Lj na iba na ang trato ni Paolo Contis sa kanya.


Hindi sinagot ni Lj ang tanong sa kanya kung may third party hanggang sa makita sina Paolo Contis at Yen Santos sa isang lugar sa Baguio.



Pinabulaanan ito ni Paolo Contis at sinabing magkaibigan lang sila ni Yen Santos dahil sa insidente maraming bashers si Paolo Contis. May mga nang-aasar pa kay Paolo "tara sa Baguio as a friend."


Sa kabilang banda, si Lj ay biniyayaan ng mapagmahal at mabait na partner at ito ang kanyang kasalukuyang asawa na si Philip Evangelista. Maayos naman ang lahat kina Lj Reyes at Paolo Contis.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento