It's Showtime Panalong Best Variety Show!

Miyerkules, Oktubre 11, 2023


Sa kabila ng mga isyu at suspensiyon na kinaharap ng programa, tinanghal na Best TV Variety Show ang noontime show na It's Showtime.


Bukod sa It's Showtime kinilala rin ang ASAP Natin To, ang host nito sina Gary Valenciano at Ann Curtis ay nakatanggap ng award para sa sining at kultura paglilingkod sa bayad award.


Si Vice Ganda naman ay nakatanggap ng para sa sining at kultura ng pangmadlang komunikasyon award.



Ayon sa It's Showtime management "Muli't muli maraming salamat sa mga bumobuo sa 20th Gawad Tanglaw para sa sining at kultura para sa parangal na inyong iginawad sa amin bilang Best TV Variety Show ngayong taon."


Naging big winner din ang ABS CBN, pinangalanang best media company at best digital media company.


Best Teleserye ang Broken Marriage Vow na ang bida ay ang Kapamilya actress na si Judy Santa Maria na nominado bilang best actress at si Piolo Pascual ang nominado bilang best actor.



Si Henry Omaga Diaz ay hinirang na Best TV News Anchor. Si Doris Bigornia ay pinangalanang Best TV Radio Anchor.


Samantala, ang GMA network na nominado bilang Best TV Network ay nanalo ng parangal, nakatanggap din ng award si Atom Araullo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento