Alden Richards, Inaming Na Fall Siya Noon Kay Maine Mendoza!

Martes, Oktubre 10, 2023



Usap-usapan ngayon ang mga rebelasyon ng aktor na si Alden Richards tungkol sa relasyon nila ng dating ka-love team na si Maine Mendoza.


Ang aktor na si Alden Richards ang guest ni Titoy Boy sa Fast Talk with Boy Abunda para i-promote ang upcoming movie nina Alden at Julia Montes na 'Five break-ups and a Romance'


Bago magsimula ang interview, hindi nakatakas si Alden nang tanungin siya ni Tito Boy tungkol sa dati niyang ka-love team na si Maine Mendoza.



Hindi lingid sa marami na hindi lang sa EAT Bulaga ang pasasalamat ni Alden kundi lalo na kay Maine dahil maraming pagkakataon sa kanilang love team na nagbukas ng mga opportunidad para sa kanya sa showbiz.


Kaya naman tinanong ni Tito Boy si Alden kung masasabing break-up o romance iyon para sa dating ka-loveteam.


Agad namang sumagot si Alden na maaari niyang ituring na Romance ang AlDub dahil sa mas malalaking oportunidad na dumating sa kanyang buhay. 



Sa kabilang banda ay itanong naman ni Tito Boy "Did you fall for Maine Mendoza?" 


Natahimik sandali si Alden sa tanong at umamin. "Yes, Tito Boy, Yes po. Hypocrite po ako kung sabihin kong hindi. Ayoko pong sabihing alam niya pero I did confess."


Agad namang iniba ni Tito Boy ang usapan para magpakita ng respeto kay Maine dahil kakasal lang niya sa aktor na si Arjo Atayde.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento