ABS CBN Naglabas Ng Pahayag! Its Showtime at MTRCB!

Linggo, Oktubre 8, 2023

 


Inanunsyo ng ABS-CBN nitong Biyernes ng gabi, Oktubre 6, na hindi na ito aapela sa Office of the President hinggil sa 12 airing day suspension na kinakaharap ng It's Showtime.


Ito ay matapos i-dismiss ng Movie and Television Review and Classification Board ang motion for reconsideration na isinumite ng It's Showtime.


"After careful reconsideration, ABS-CBN has decided not to appeal to the Office of the President the decision of MTRCB on It's Showtime and instead serve the 12-day suspension starting October 14", pahayag ng ABS-CBN.




"We respect the authority of MTRCB, but we humbly maintain that the program did not break any pertinent law", dagdag pa nito.


Nagpasalamat din ang ABS-CBN sa lahat ng sumusuporta at patuloy na tumatangkilik sa kanilang noontime show.


"Our heartfelt thanks to our viewers for their unwavering love and support for 'It's Showtime', which will return on October 28 stronger and better than ever", ani ng ABS-CBN. 




"Maraming salamat, Madlang People!"


Nagpataw ng 12-airing days suspension ang MTRCB sa noontime show dahil sa mga reklamong natanggap nila kaugnay ng pagkain nina Vice Ganda at Ion Perez ng cake icing sa segment ng Isip Bata noong Hulyo.


Matatandaan na dati nang ibinasura ng Movie and Television Review and Classification Board ang motion for reconsideration na isinumite ng It's Showtime kaugnay sa 12-airing days suspension na ipinataw sa noontime show.




Ayon sa MTRCB noong Huwebes, Setyembre 28, naglabas ng resolusyon ang ahensya na tumatanggi sa motion for reconsideration na inihain ng GMA network at ABS-CBN Corporation.


Sa pagdinig ng Senado para sa panukalang 2024 budget ng MTRCB nitong Miyerkules, Setyembre 27, nilinaw ni MTRCB Chair Lala Sotto na hindi siya lumahok sa boto ng board hinggil sa naturang desisyon sa It's Showtime.


1 komento:

  1. Subra kayabangan nitong si Vice. Pati ba naman ang decision ng network na papalit sa show time habang under suspension ay pinakikialaman pa nya. Hey!. Vice maglagay ka nga sa Tama!.

    TumugonBurahin