Subscribe Us

Advertisement

Responsive Advertisement

Viral Video Ni Anne Jakrajutatip Kasama Si Michelle Dee, Hindi Nagustuhan Ng Mga Netizens!

Martes, Nobyembre 21, 2023


Viral ngayon sa social media ang video ng may-ari ng organisasyon ng Miss Universe na si Anne Jakrajutatip matapos umano niyang hindi payagang humarap sa camera ang kinatawan ng Miss Universe Philippines na si Michelle Dee.

Makikita sa viral video na hinawakan niya sa braso si Michelle Dee at iniharap sa camera at tila gustong sabihin ng may-ari na Miss Universe ang kanyang mensahe sa mga taong dismayado sa resulta ng nakaraang kompetisyon at paulit-ulit. sabi ng salitang "move on" habang kasama si Michelle Dee.



Kasabay nito, nagbiro pa siya na magre-release siya ng isang kanta na may titulong 'Gonna Move On', makikitang nakangiti lang si Michelle noong una pero halata sa mukha nito na hindi na siya komportable sa mga sinasabi ni Anne Jakrajutatip .

Halata sa mukha ni Michelle na nasasaktan siya para sa kanyang mga kababayan, kaya naman sinubukan niyang umalis pero sinundan pa rin siya nito at sa huli ay nagyakapan ang dalawa.

Agad na umalis si Michelle at nagpaalam kahit hindi pa natatapos ang media guesting nila sa Mexico. Ilang minuto ang nakalipas, nag-post si Michelle na masama ang pakiramdam niya sa media guesting.

Post ni Michelle, "Suddenly felt so lightheaded so i'm going back to the hotel! Don't feel so well after that first media guesting."

Nagpost rin si Michelle, "@forthephilippines #wmmmo"

Ayon sa ilang ang meaning ng #wmmmo ay "walang mag mo move on" dahil dito, nag-rescue ang ilang kaibigan ni Michelle at isa sa mga sumuporta sa kanya ay ang isa sa matalik niyang kaibigan na si Rhian Ramos.

Sabi ni Rhian, "I don't like how this looks, my stomach is turning. Buti marespeto yung kaibigan ko, eh sila? Ewan kayo nalang ang humusga. Tap niyo for the full, uncomfortable video"

Hindi rin napigilan ng kapwa beauty queen na si Samantha Panlilio na magkomento sa nasabing video at sinabing "konting respeto naman.."

Samantala, narito rin ang komento ng mga netizens na hindi nagustuhan ang batikos na natanggap ni Michelle mula sa nasabing Miss Universe organization owner.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento