Subscribe Us

Advertisement

Responsive Advertisement

Vice Ganda Ion Perez Nag-break Down Dahil Sa Batikos Na Natatanggap!

Sabado, Nobyembre 11, 2023



Napuno ng aksyon, pagmamahal at kurot sa dibdib ang magpasikat performance ng team nina Jhong, Kim at Ion.


Sa mga naunang grupo, karamihan sa kanila ay gumamit ng advance technology pero sobrang humanga ang madlang people sa performance nila Jhong, Kim at Ion nang mag-parkour sila sa dingding nang walang suot na harness.



Katulad ng mga naunang grupo, nagpaiyak din sila Jhong, Kim at Ion matapos ipaalam sa kanila sa lahat ang kahalagahan ng pag gamit ng cellphone ngayon.



At kay Ion Perez na nagsasalita, kapansin-pansin ang pag-aalala at lungkot sa mga mata ni Vice Ganda. Mapapansin din na naiyak si Ion sa sinabi ni Vice Ganda pero siyempre super proud si Vice Ganda sa performance ni Ion.


Dito ibinahagi ni Vice Ganda ang panig ni Ion Perez na hindi nakikita ng karamihan, maging ang kanilang mga tagahanga.



Ayon kay Vice Ganda, "Hindi syempre araw-araw kasama ko yan, alam ko gaano siya sinasaktan ng social media. Every day he is being judge kung ano siya, kung saan siya galing at paano siya magsalita, kung ano-ano ang nakikita sa kanya."


"Every day he is being judge, araw-araw lumalaban yan, araw-araw na sasaktan kaya basta hindi niyo alam kung anong epekto nito kay Ion at sa akin. Hindi niyo alam."


"Ang nakikita niyo lang yung nakikita niyo pero hindi niyo talaga alam."


Pagkatapos ng mensahe ni Vice Ganda para kay Ion Perez, ibinunyag din ni Jhon Hilario na dahil sa sobrang takot ni Vice Ganda sa performance nila ni Ion, ipinagdasal niya si Ion na sana ay hindi siya mapahamak sa kanyang performance.


Kasunod ng mensahe at rebelasyon ni Vice Ganda kaugnay sa pinagdadaanan ng kanyang partner na si Ion Perez, lalong dumami ang suportang bumuhos sa kanilang pagmamahalan at sa kanilang relasyon.


Ayon sa mga netizens, sana ay matuto si Ion na huwag makinig at huwag magpaapekto sa mga sinasabi ng iba at magpatuloy na lang sa buhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento