Subscribe Us

Advertisement

Responsive Advertisement

Vice Ganda I-imbitahan Si MTRCB Chairwoman Lala Sotto Na Mag-guest Sa Magpasikat Performance?!

Miyerkules, Nobyembre 8, 2023



Pinag-uusapan ngayon ng audience ang biro ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa pinakabagong episode ng It's Showtime.


Natapos na ang ibang team mag-perform para sa kanilang magpasikat performance sa It's Showtime at ang susunod na gaganap ay ang team ni Vice Ganda.


Dahil sa magandang performance ng team ni Ann Curtis, inaasahan ng isa sa mga judge na si Tirso Cruz na magiging maganda ang performance ng team ni Vice Ganda.



Ayon pa kay Tirso Cruz, "I am expecting a surprise again tomorrow". 


Sa pagkakataong ito, pinagka-isahan ng mga host si Vice Ganda dahilan para magbigay ng kaunting hint ang komedyante para sa kanilang performance bukas.



Ayon kay Vice, "Gugulatin namin kayo, suspended tayo bukas. Magugulat kayo sa guest namin bukas. The world is healing."


Dagdag pa ni Vice Ganda, "Basta kapatid ni Lulu", hindi naipinta ang mga mukha ng mga tao sa studio dahil alam nilang si Lala Sotto ang tinutukoy ni Vice Ganda.




Dahil wala namang konektado sa 'Lulu' kundi 'Lala' lamang, isa pa ay una nitong sinabi ang salitang 'suspended' at siguradong ang MTRCB chairwoman ang tinutukoy ni Vice.


Sa kabilang banda, hindi alam ng mga mangmang kung seryoso si Vice Ganda sa kanyang pagganap sa It's Showtime.

1 komento: