Suspek Na Pulis, Umamin Na Sa Relasyon Nila Sa Beauty Queen na si Catherine Camilon!


Isang police major umano ang umamin na nagkaroon siya ng relasyon kay Miss Grand Philippines 2023 candidate at ninth grade teacher na si Catherine Camilon.


Itinuturing na pangunahing suspek si Police Major De Castro sa misteryosong pagkawala ng beauty queen. Ginawa ni De Catro ang pag-amin sa harap ng PNP chief at ng CIDG director sa Camp Crame.


Sa ulat ng 24 Oras, minsang nagreklamo si De Castro sa pananakit ni Catherine sa opisyal na tirahan ng PNP, ayon sa direktor ng CIDG.


"Siya po ay iniharap natin kay Chief PNP kaninang umaga and he admitted na mayroon silang illicit relatioship with Miss Camilon."


Ito ang unang pagkakataon na umamin ang suspek, ayon sa ulat, sa tatlong minutong pag-uusap nila sa loob ng tinatawag na white house sa Camp Crame, tahimik pa rin si De Castro sa pagkawala ni Camilon.



Dagdag ng CIDG director, "Nung siya ay tanungin natin kung mayroon ba siyang invovement doon sa pagkawala ni Miss Camilon, ang sinabi lang niya kay Chief PNP he invoke his right to remain silent."


Hindi na raw pinilit nila na magsalita ang suspek, saad ng CIDG director, "Nag sorry siya kay Chief PNP for dragging the PNP organization, na nadadamay ang organization. So the chief PNP naman accepted his apology."


Isinampa na ang reklamong serious illegal detention laban kay De Castro, sa kanyang driver, sa kanyang bodyguard at sa dalawa pang tao kaugnay ng pagkawala ni Camilon.


Hamon ngayon ng PNP at CIDG na hanapin si Camilon, na mahigit isang buwan nang nawawala.


"May marching order ang ating Chief PNP to exert all our efforts to locate Miss Camilon either alive or not" ayon sa CIDG director.


Iniulat din ng pamilya ni Camilon na dati nang nagreklamo ang biktima sa umano'y pananakit sa kanya ni De Castro. May pagkakataon din na nakausap ni Camilon ang asawa ni De Castro tungkol sa pakikipagrelasyon sa beauty queen.


Sa ngayon, wala pang update ang mga awtoridad sa kalagayan ni Catherine Camilon.