Madalas ang mga OFW ang naghahatid ng pasalubong sa kani-kanilang mga tahanan ngunit ang pamilyang ito sa La Union ay hinangaan at na-inspire dahil mga balde-baldeng pera ang sorpresa ng mister sa pag-uwi ng kanyang asawang OFW.
Isang malaking sorpresa para kay Rodelyn Fortes matapos malaman na lahat ng kinita niya bilang domestic helper sa Kuwait at Malaysia ay matiyagang naipon ng asawang si Rogelio Fortes.
Sinalubong ni Rogelio si Rodelyn na may dalawang balde na naglalaman ng mga barya at perang papel.
Umabot sa PHP300,000 ang halagang naipon, nang ibahagi ng mag-asawa sa GMA Integrated News ang aktwal na video habang nagbibilang sila ng ipon.
Laking gulat ni Rodelyn dahil hindi niya inaasahan na makakaipon sila ng ganoon kalaking halaga, lalo na ang halaga ng ipinapadala niya ay hindi naman kalaki.
Nagawa ito ni Rogelio dahil batid niya ang hirap at sakripisyo ng asawa sa ibang bansa para lang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento