Hindi nagpahuli si chinita princess Kim Chiu na makisaya ngayong holloween, hindi gaya nina Vice Ganda at Ann Curtis na nagsuot ng custome, gumawa ito ng paraan para ipagdiwang ang holloween ngayong taon.
Sa pamamagitan ng Instagram account ni Kim Chiu ay ibinahagi niya ang kanyang mga litrato kung saan siya ay nasa isang pumpkin farm sa United States.
Caption pa ni Kim Chiu sa nasabing post "Pumpkin season in full swing be like"
Samantala, napansin ng KimXi fans na konektado ang pumpkin post ni Kim Chiu sa Instagram post ni Xian Lim dahil sa post ni Xian Lim na may hawak itong pumpkin basket.
Narito ang instagram video ni Xian Lim,
Sa kabilang banda, dahil sa unti-unting pagpapaalam nina Kim Chiu at Xian Lim sa kanilang relasyon ay muling binuhay ng kanilang mga tagahanga na hindi totoo na hiwalay na ang dalawa at nasa low-key relationship status.