Pumasok sa It's Showtime ngayong araw ang prinsesa ng Chinita na si Kim Chiu na fresh from vacation at sa pagbabalik niya sa noontime show, hindi napigilan ni Kim ang panunukso sa kanya ng It's Showtime hosts.
Sa It's Showdown segment kung saan naging judge si Kim, napansin ng Unkabogable star na si Vice Ganda ang pagiging masayahin ni Kim Chiu dahilan para muling asarin si Kim ng It's Showtime hosts.
Ayon kay Vice Ganda, "Masigla siya noh, masigla siya... masama kami for you."
Pagkasabi nito ni Vice, biglang nagpatugtog ng malungkot na background music si DJ Mod habang kinukulit nila si Kim dahilan para sumunod ang ilang host sa sinabi ni Vice kay Kim.
Ayon kay Vhong Navarro, "Nakapag beach kasi siya eh"
Sabat naman ni Anne Curtis, "Nakapag recharge"
Pahapyaw naman ulit ni Vice, "Iba talaga yung hangin sa beach, walang masyadong tao. Nakapag-isip isip ka. Tapos babalik ka sa buhay mo sa syudad na maluwag yung utak mo."
Pagkatapos ng mga sinabi nito kay Kim, agad na kumanta at sumayaw ulit si Kim para putulin ang usapan pero hindi pa rin nakatakas ang aktres kay DJ Mod dahil muling nagpatugtog ng malungkot na background music.
Napatigil lang si Kim dahilan para maiba ni Vice ang topic nila. Samantala, nakukuha ng KimXi fans ang problema ng kanilang mga idolo.
Ilang pruweba na kasi ang kanilang nasilayan na nagpapakita na hindi pagkaka-ayos ng dalawa ngunit isa lang naman ang kahilingan nila kay Xian at Kim.
Ito ay para sabihin na ang tunay na estado ng kanilang relasyon ay matutuwa sila at malilinawan ang mga kumakalat na balita tungkol sa hiwalayan ng dalawa.