Viral ngayon sa social media ang public revelation ng director at producer na si Robby Tarroza tungkol sa totoong estado ng relasyon nina Pia at ng yumaong master rapper na si Francis Magalona.
Sa pamamagitan ng Facebook post, nalaman nitong hindi kasal ang mga magulang ni Maxine Magalona dahil kasal pa rin si Pia sa kanyang unang asawa.
Malaking isyu ito ngayon matapos ang umano'y dating relasyon ni Francis na si Abegail Rait at kanilang 15-anyos na anak na babae, si Gaile Francesca ay lumantad publiko.
Ibinunyag din nito na naghiwalay na sina Pia at Francis bago naging girlfriend ng rapper si Abegail.
Sa huli, ipinaliwanag ni Robby ang pagsubok na dinanas ni Francis sa relasyon nila ni Pia.
"So for all you judgmental people that did not know the real story, Francis and Pia were already separated before he got into this amazing relationship with Abegail."
Samantala, sa pinakabagong panayam ni Julius Babao kay Francesca, nag-request siya sa iba pang mga anak ni Francis Magalona.
Ayon kay Francesca, "I hope that you accept me, I don't have any bad intentions."
Gayunpaman, wala pang opisyal na pahayag ang kampo ni Pia kaugnay sa alegasyon na ibinato sa kanya ng nasabing producer.