Diego Loyzaga, Inaming Hindi Naniniwala Sa Kasal!


Naantig ang puso ng netizens sa mga naging pahayag ng aktor na si Diego Loyzaga ng makapanayam siya ng host-actress na si Toni Gonzaga sa YouTube channel.

Makalipas ang ilang buwan matapos ipahayag sa publiko ni Diego ang magandang regalo na natanggap niya noong father's day, muling nagsalita ang aktor at nagbigay ng mga detalye tungkol sa kanyang pagiging ama.

Ayon kay Diego, five months old na ang kanyang baby girl at kahit puyat ay makikitang nag-e-enjoy siya sa pag-aalaga dito.

Kuwento ni Diego, hindi siya biglaang nagkaanak dahil ipinaliwanag niya na matagal na niyang gustong magkaanak at pinagplanuhan nila ng kanyang partner ang pagbubuntis.

Ang mga pahayag ni Diego, "I don't know, it was just in my bones like in my DNA na na-feel ko na rin na parang I need to have a kid."


"Na parang feeling ko, I need a kid here na. I don't wanna get old, sumasakit na minsan yung likod ko. I am losing my hair already. She was planned. She was a 100% planned."

Ibinahagi din ni Diego na magkasama sila ngayon ng kanyang partner sa iisang bubong at nagtutulungan sila sa pag-aalaga sa kanilang baby girl.

Ayon kay Diego, ginagawa niya ang lahat para hindi maranasan ng kanyang anak ang naranasan niyang lumaki na walang ama.

Ngayon daw ay alam na niya na mahalagang makakita ng father figure ang kanyang anak dahil makakatulong daw ito sa pagbuo ng pagkatao ng isang bata.

Kaya gusto ni Diego na suportahan ang kanyang anak at gabayan ito sa gusto nitong maranasan sa buhay.

Isa sa mga naging pahayag ni Diego kung saan hindi niya mapigilan ang pagiging emosyonal ay nang sabihin niyang ayaw niyang maging sanhi ng trauma kapag naging lalaki na ang kanilang anak.

Samantala, inamin naman ni Diego na hindi siya naniniwala sa kasal kahit maayos naman ang pakikitungo nila ng kanyang partner sa kanilang anak. 

Ayon kay Diego, para sa kanya nasa papel lang ang kasal dahil base sa laki ng kanyang paligid, madaling balewalain ng mag-asawa ang pinirmahang marriage paper kapag nag-aaway sila at naisipang maghiwalay.

Mga pahayag ni Diego, "I don't believe in marriage, it's a piece of paper for me. Ang sa akin lang kasi is if ever we fight in the future and its gets to the point na ayoko na sayo"

"at ikaw galit na galit ka na sa akin, it not a big matter of having to go somewhere and get annulled because growing up, I grow around it so much and I get to see it so much, the separation. Aside from my own parents, even people around me. Until now malabo."

Para kay Diego, walang problema o pagkakaiba sa mata ng anak kung kasal man ang mga magulang o hindi basta magkasama sila sa iisang bahay at masama ang kanilang pamilya.

Gayunpaman, sinabi rin ni Diego na iyon ang pananaw niya sa ngayon pero hindi raw niya ibubukod ang posibilidad na makapag-asawa na siya pagdating ng tamang panahon.