Labis na nalungkot at nagluksa ang pamilya, mga kaibigan at tagahanga ng komedyante-actor nang lumabas ang balitang pumanaw si Joey Paras noong Oktubre 29, 2023 sa edad na 45.
Ibinahagi ito ng kanyang kamag-anak sa pamamagitan ng isang facebook post bukod sa hindi inaasahang anunsyo, nananawagan din ng tulong pinansyal para mabayaran ang mga bayarin sa ospital at maiuwi ang labi ni Joey.
Hindi naman binigo ng mga tagasuporta dahil kasunod ng post ay nagpasalamat ang mga kaanak ni Joey sa suporta na nagpaabot at patuloy na nagpapaabot ng tulong.
Hindi naman binanggit ang pangunahing dahilan ng pagkamatay ni Joey ngunit ayon sa GMA News ay nagkaroon siya ng sakit sa puso kaya noong 2018 ay kinailangan niyang lagyan ng CRPT device para tuloy-tuloy ang pagtibok ng puso ni Jeoy at ma-monitor ng maayos.
Sa kabilang banda, labis na nalungkot ang karamihan sa pamamaalam ng dating Sunday Pinasaya star dahil nawalan ng isa pang mahusay na aktor ang industriya ng sinehan sa Pilipinas bago siya pumasok sa showbiz.