Ito na raw ang stage ng Miss Universe 2023. Ayon sa netizens, maganda raw ang setup ng stage kung saan kumbinasyon daw ito ng stage ng Miss Universe 2015 at 2018.
Samantala, ayon sa balita, sa rehearsal ng mga kandidato, ito na raw ang final format para sa pagpili ng mga kandidatong papasok sa semi-finalist.
Ang nangungunang 21 ay pipiliin mula sa mga marka ng Preliminary competition at Closed Door interview. Apat na kandidato mula sa Asya at Oceania. Apat din mula sa Europe at Africa.
Apat ay mula rin sa Central America at Caribbean. Apat din ang pipiliin mula sa North at South America. Mayroong apat para sa Wild Card at isang mananalo ng Fan Vote.
Mula 21 pababa hanggang 10, top 5 at ang final 3 para sa huling tanong.