Umani na naman ng batikos ang aktres at mang-aawit na si Anji Salvacion dahil sa kanyang husay sa pag-arte sa teleserye ng Linlang.
Viral ang isang clip sa social media kung saan makikitang nag-e-emote si Anji at tila umiiyak habang nasa eksena.
Pero napansin ng netizens na walang luha sa kanyang mga mata, tinawag pa siyang 'trying hard' at 'OA'. Hindi rin nakaligtas sa batikos sina 'Kice' o Icidor Kobe na nakilala sa Idol Philippines Season 2.
Matatandaang muling binatikos ng mga netizen ang pag-arte ni Anji nang mag-viral ang isang video clip ng eksena niya mula sa "Linlang". Pati si Kice na kapareha niya sa serye ay nadamay din.
Kaya naman sa pagkakataong ito, mukhang nagbubukas na ng pinto si Ogie para bigyan ng pagkakataon sina Anji at Kice na mas paunlarin pa ang kanilang husay sa pag-arte.
Inimbitahan ng showbiz columnist na si Ogie Diaz ang dalawang "Linlang" stars na sina Anji Salvacion at Icidor Kobe sa isang libreng acting workshop.
"Kung gusto ni Anji Salvacion saka ‘yung si Kice. Libre ko kayong iwo-workshop. Hindi ko kayo pagbabayarin,” anyaya ni Ogie sa dalawa."
Naglabas naman ng statement si Anji sa kanyang tweeter account.