Ilang araw na lang Pasko na pero hindi makukumpleto ang holiday season kung hindi mo maririnig ang Christmas Station ID ng ABSCBN network.
Isa sa mga inaabangan tuwing Pasko ay ang Christmas Station ID ng Kapamilya network kung saan makikita rito ang lahat ng Kapamilya artists.
"Pasko, Ang Pinakamagandang Kwento" ito umano ang magiging titulo ng Christmas Station ID 2023 ng kapamilya network.
Sa ngayon ay tila may sulyap o pangyayari behind the scenes sa recording ng nasabing Christmas Station ID.
Ilan sa mga pangunahing mang-aawit ay ang magagaling na mang-aawit ng ABS CBN tulad nina Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Garry Valenciano, JK Labajo.
Makikita rin sa mga larawan sina Ann Curtis, Coco Martin, Belle Mariano, Daniel Padilla, Kim Chiu at ang buong It's Showtime family.
Inaasahan din na ilang Kapuso stars ang lalabas sa darating na Christmas Station ID.
Samantala, nauna ng naglabas ng kanilang Christmas Station ID ang GMA network na may pamagat na "#FeelingBlessed Ngayong Pasko"