Vice Ganda Binanggit Na Pangalan Ni Rendon Labador Sa Everybody Sing!


"This song is brought to you by Rendon Labador", ito ang biro ng Unkabogable Star Vice Ganda habang ang OPM band na Ben at Ben ay kumakanta ng 'Araw-araw' sa Everybody Sing.


Sa episode ng Everybody Sing, makikita na tila binago nina Ben at Ben ang lyrics ng kanilang kanta para hulaan ang tamang lyrics sa mga contestant.


Ayon sa sa binagong lyrics ng Ben and Ben "Mahiwaga babasagin ka sa araw-araw"




Sa pagkakataong ito, naisip ni Vice Ganda na ito ang palaging ginagawa ni Rendon Labador sa kanya pati na rin sa buong It's Showtime family.


Kaya naisipan ni Vice Ganda na ilarawan si Rendon Labador sa nasabing bagong lyrics nina Ben at Ben.


Biro ni Vice ni "This song is brought to you by Rendon Labador". Hindi naman magkandahiyawan ang mga contestant sa Everybody Sing dahil sa sinabi nito ni Vice Ganda.



Maging Ben at Ben ay nagtatalon sa tuwa dahil matatandaang ito ang unang beses na binanggit ni Vice Ganda ang pangalan ng self-proclaimed motivational speaker na si Rendon Labador.


Tila naging tinik si Rendon kay Vice Ganda dahil sa araw-araw nitong pambabatikos sa komedyante.