Tunay Na Dahilan Ng Pagpanaw Ni Actor Singer Na Si Joey Paras Sa Edad Na 45

 


Aktor at mang-aawit na si Joey Paras, pumanaw sa edad na 45 kahapon, Oktubre 29, 2023. Malungkot itong inihayag ng kanyang pamangkin na si Zciara Shyne Sinchon-Fabian.


Ayon sa post ng kanyang pamangkin sa Facebook, may problema umano sa puso ang kanyang tiyuhin na naging sanhi ng pagkawala nito.


Ayon sa mismong caption sa post, "To all of our family and friends, we are saddened to announce that our Tito Joey Paras, passed away and joined our Creator this afternoon, October 29, 2023 at 5:40 pm."


"Unfortunately, his heart wasn't able to recover anymore."




Kasabay ng pag-anunsyo ng pagpanaw ni Joey Paras, humingi rin ng tulong pinansyal ang kanyang pamangkin dahil sa ngayon, hindi pa raw nila maiuuwi ang mga labi nito at nasa morgue pa. Hindi pa raw nasettle ang hospital bill.


Ayon sa kanya, "Currently, his remains is still at the hospital's morgue. We need to settle his hospital bills for us to take him home."


"Our family is knocking at your kind and generous heart to help us raise a fund to cover his hospital bills."




Kung matatandaan, noong July 2018, ibinahagi ni Joey ang kanyang karamdaman. Nagkaroon umano siya ng problema sa puso at sumailalim sa operasyon at naging matagumpay ito.


Kalaunan, tinamaan ito ng Covid-19 noong 2020. Nalagpasan niya ito ngunit makalipas ang ilang taon, noong 2023, muli siyang isinugod sa ospital. Sa pagkakataong ito, hindi na siya gumaling.


Batay sa pahayag ng kanyang pamangkin, mauunawaan na ang sanhi ng biglaang pagkamatay ng kanyang tiyuhin ay may kaugnayan pa rin sa sakit sa puso na inakala nitong okay na pagkatapos ng operasyon.