Toni Fowler Nanindigan Na Hindi Bastos Ang Kanyang MPL Music Video! KSMBPI Nanggigil!


Matapang na inalmahan ng vlogger-actress na si Toni Fowler ang kaso na isinampa sa kanya ng KSMPBI.


Sa kanyang social media account ay inihayag nito ang kanyang hindi pagsang-ayon sa kasong isinampa sa kanya ng nasabing grupo.


Pinabulaanan ni Toni na nagpakita siya ng mga pribadong parte ng kanyang katawan sa kanyang MPL music video.



Ayon kay Toni "Para sa KSMBPI, nais kong punahin at sagutin ang kasinunglingan ninyo sa media"


"Hindi ako nagpakita ng s3x organs kung hindi s3x toys, linawin po ninyo iyan. Hindi ko kayo masisisi kung epekto na ng inyong katandaan ang pagkakaroon ng malabong mata pero huwag po tayong magsisinungaling lalo na't kriminal ang ikinakaso ninyo laban sa akin."


"Hindi din ho magandang halimbawa sa mga bata ang pagsisinungaling. Sa huli gusto kong sabihin sa inyo na matapang kong haharapin ang mga kasong inihain ninyo laban sa akin"



"Dahil kahit ano pa ang itawag niyo sa akin taas noo ko itong haharapin at sasabihin na tahimik lang ako sa umpisa pero marunong akong lumaban kahit hindi niyo ako pilitin."


Samantala wala pang reaksyon ang grupo ng KSMBPI sa pahayag na ito galing kay Toni Fowler.