Simula Na Ulit! Vice Ganda Muling Pinaringgan Si Lala Sotto Sa It's Showtime!

 


Mukhang nasasaktan pa rin ang Unkabogable star na si Vice Ganda sa ginawang panghuhusga ng ahensya ng MTRCB sa viral cake icing scene nila ng asawang si Ion Perez.


Matatandaang naging culmination ng 12-day suspension ng It's Showtime ang eksenang iyon sa pagitan ng dalawa na umano'y isang bastos na insidente sa mga batang nanonood.


Dahil dito, nagpataw ng suspensiyon ang MTRCB sa It's Showtime. Noong una, lumaban ang nasabing show sa MTRCB ngunit nang tanggihan ng nasabing ahensya ang motion for reconsideration ng It's Showtime, tinanggap nila ang 12-day suspension na ipinataw sa kanila.




Noong Sabado, masigasig na winelcome ang pagbabalik ng It's Showtime na parang walang naganap na suspension. Dagdag pa rito, bumalik sila na may paninindigan na hindi nilabag nina Ion Perez at Vice Ganda ang batas sa MTRCB.


Samantala, kanina sa It's Showtime, humirit si Vice Ganda tungkol sa suspensiyon na nangyari sa show. Habang nag-uusap ang mga host, finlex ni Vice Ganda ang couple shoes nila ni Ion Perez.


Nilapitan ito ni Vice Ganda at ipinakita ang sapatos nilang dalawa. Pero this time, napansin ni Vice Ganda na sweet na sweet na naman sila ni Ion Perez, kaya pabiro siyang lumayo sa asawa at sinabing, "O maglayo na tayo, baka another 12 days na naman 'yan."


@itsshowtime050

mag couple shoes si mommy vice And daddy ion πŸ«ΆπŸ‘Ÿ

♬ original sound - π“˜ 𝓢𝓲𝓼𝓼 𝔂𝓸𝓾 𝓽𝓸𝓸