Subscribe Us

Advertisement

Responsive Advertisement

Sarah Geronimo Na Trauma Matapos Itong Gawin Ng Direktor Sa Kanya!

Lunes, Oktubre 30, 2023

 


Aminado si direk Darryl Yap na magaspang ang mga proyektong ginagawa niya kaya hindi na siya nagulat nang ma-trauma si Sarah Geronimo sa kanilang pag-uusap dahil sa kagustuhan ng singer-actress na makagawa ng mga bago o kakaibang pelikula.


Kwento ni Darryl, "I had a meeting with Miss Sarah Geronimo. She wanted something new. Ewan ko kung anong trip ng Viva. Ang sabi raw ni Miss Sarah, 'Boss, I want to have something new.'"


"Gusto mo pala ng something new, ha? So, ipinameet sa akin, na-trauma. Nagmeeting kami sa office ni Boss Vic del Rosario, saad nito 'Direk, meron ka bang naiisip para kay Sarah?'"




"So, sinabi ko 'yung mga materyal ko na naiisip ko para sa kanya. Parang natrauma si Miss Sarah, parang natulala lang siya sa akin. Tapos noong nagkausap kaming dalawa, sabi ko sa kanya, 'sabi mo, something new'. Sabi niya, 'pero hindi naman po yata'." 


Naiintindihan naman ni Darryl ang resulta ng pagkikita nila ni Sarah. Sabi niya, "In showbiz, we have a lot of restrictions, not because we don't want them but because you are tied into a contract. Meron kang image na pinoprotektahan."


"So, I guess I'm always ready to work with stars that are also ready. Kung meron man akong hindi babaliin o babaguhin, yun yung formula ko when it comes to filmmaking. You always offer something that's truly you. Something that's truly untouched."


Bukod kay Sarah Geronimo, nakausap din ni Darryl ang iba pang sikat na artista na gustong gumawa ng kakaibang proyekto ngunit nagbago ang isip nang sabihin niya ang kanyang mga konsepto.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento