Subscribe Us

Advertisement

Responsive Advertisement

Ryan Bang Nadamay Sa Isyu Ni Vice Ganda | MTRCB Mainit Kay Vice Ganda!

Miyerkules, Oktubre 4, 2023


Pinayuhan ni Manay Lolit Solis ang It's Showtime host na si Ryan Bang na magdahan-dahan sa mga banat para hindi madamay sa mga isyu lalo na't mainit ang mata ng mga tao kina Vice Ganda at Ion Perez.


Sa recent instagram post, nabanggit ni Lolit na buti na lang humingi ng tawad si Ryan sa isa sa mga boss ng GMA, ang tinutukoy niya ay si GMA senior vice president Anette Guzon-Valdez.


Matatandaang kamakailan sa fast talk nila ni Boy Abunda, sinabi ni Ryan Bang na gusto niyang maging leading lady si Annete Guzon-Valdez kung sakaling magkaroon ito ng project sa GMA network.



Sa pagbisita ng ilang GMA network executives sa It's Showtime noong nakaraang linggo, humingi ng paumanhin si Ryan Bang kay senior vice president Anette Guzon-Valdez.


"Buti naman nag sorry si Ryan Bang sa mga bossing ng GMA lalo pa nga na taga ibang bansa siya kaya dapat siya ang pag a-adjust sa lahat para hindi siya mag mukhang bastos." saad ni Lolit.


"Hindi maganda kay Ryan Bang ang madalas na nasasali siya sa intriga dapat hinay-hinay lang siya para hindi siya madadamay lalo na ngayon na mainit ang mga tao kay Vice Ganda at Ion, dapat maiwasan niyang hindi masali para dinhi siya mag mukhang bastos" dagdag pa ni Lolit



Dapat daw i-maintain ni Ryan Bang ang kanyang pagpapa-cute at hindi lang puro intriga at huwag makipagsabayan kay Vice Ganda.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento