Ayon kay Senator Raffy Tulfo, umalis ng bansa ang magkasintahang sina Yexel Sebastian at Mikee Agustin patungong Nagoya, Japan.
Matatandaang maraming investor ang nagreklamo sa dalawa ni Raffy Tulfo in Action, ayon sa mga investor, ninakaw ng mag-asawa ang kanilang pera.
Karamihan sa mga biktima ng dalawa ay mga OFW, samantala, sa isang panayam sa senado, sinabi ni Senator Raffy Tulfo na may kakilala siyang nakakita sa pag-alis ng dalawa sa Pilipinas.
Paglalahad ni Senator Raffy Tulfo "meron akong kakilala na kasabay sa eroplano nitong magkasintahan sakay ng Cebu Pacific going to Nagoya, Japan."
"Hindi ko alam kung ito ay tumatakas na o pumunta sa Japan para mag recruit na naman ng mga investors."
Samantala, kinuwestiyon ni Senator Tulfo kung bakit nakaalis ng bansa ang mag-asawa gayung ang ingay ng dalawa bilang mga scammer.
Pero ayon sa Immigration ay may batas na tinatawag na Right to Travel kaya hinayaan nilang umalis ng bansa ang dalawa.
Gayunpaman, wala pang nakakaalam kung saan sa Nagoya, Japan nakatira ang magkasintahan.
Sa kabilang banda, sinabi rin ni Senator Tulfo na inaasikaso na ng kanyang team ang mga hakbang na gagawin para panagutin sina Yexel Sebastian at Mikee Agustin.