Subscribe Us

Advertisement

Responsive Advertisement

MTRCB Lala Sotto Pinabulaanan Na Ipinatawag Nila Si Vice Ganda Dahil Sa Mcdo Commercials Nito!

Lunes, Oktubre 30, 2023



Pinabulaanan ng MTRCB ang balitang ipinatawag nila si Vice Ganda dahil sa kanyang Mcdo commercial.


Nilinaw ng MTRCB sa pangunguna ni Lala Sotto na hindi totoo ang kumakalat na balita na ipinatawag nila si Unkabogable Star Vice Ganda dahil sa paraan ng pagkain nito ng manok sa isang fast food chain sa bansa.


Ayon sa pahayag ng MTRCB, "Pinabulaanan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga post sa social media na nagsasabing ipinatawag ng board ang isang kilalang personalidad na lumabas na kumakain ng isang television commercial ng isang fast food chain."

"Ang paratang ito ay may masamang hangarin at walang katotohanan."



Ayon sa MTRCB, dapat lagi tayong maging mapanuri lalo na't maraming fake news ang kumakalat ngayon.


Dadag pa ng MTRCB "Sa panahon ng digital age, mahalaga na tiyakin kung tunay ang mga balita at maging mapanuri sa ibat' ibang sources ng impormasyon bago ito ipamahagi."


"Ipinapakita ng insidenteng ito ang kahalagahan ng Media literacy at kritikal na pag-iisip"



Samantala wala pang reaksyon si Vice Ganda hinggil sa kumakalat na balita na siya ay ipinatawag ng MTRCB. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento