Masaya si Rendon Labador na bumalik na ang kanyang Facebook account ngunit magtutulungan ang mga netizens na e-report ito muli.
Mass report agad ito ang isinisigaw ng mga fans ni Vice Ganda matapos ibinalik ang banned na Facebook page sa tinaguriang Motivational Speaker na si Rendon Labador.
Kamakailan lang inilabas ni Ogie Diaz sa kanyang Youtube Channel kung saan nakapanayam nito si Rendon Labador.
Dito siya humingi ng paumanhin sa mga artista at personalidad na kanyang pinagsalitaan ng masama, lalo na sina Vice Ganda, Ion Perez at Michael V.
Sinabi rin ni Rendon na pakikinggan niya ang sinasabi ng mga tao sa kanya at susubukan din niyang maging mabuting tao.
Isang araw matapos siyang humingi ng tawad sa mga taong nasaktan niya, masayang ibinalita ni Rendon Labador na ibinalik sa kanya ang kanyang na banned na Facebook page dahil sa ginawang mass report ng mga tagasuporta ni Vice Ganda.
Opisyal na inanunsyo ni Rendon na nakabalik na sa kanya ang kanyang official Facebook page kaya sinabi niya na tuloy na ulit ang kanyang adbokasiya.
Mukhang hindi naman nagustuhan ng netizens nag balik ang kanyang Facebook kaya naman nagkaisa silang muli para mass report ang Facebook page ni Rendon para tuluyan na itong ma-delete ng Facebook.