Kyle Echarri Andrea Brillantes Nagkaaminan Na Sa Kanilang Mga Tiktok Account!



Tila nagparinig ang magka-loveteam na si KyleDrea sa kanilang mga tiktok account sa Tiktok video na ibinahagi ni Andrea ginamit nito ang kantang Antukin ni Rico Blanco.


 Ang mga lyrics na 'mahalin mo ako ng sobra sobra' ang binigyang diin ng actress sa nasabing tiktok video.


@blythe

Mahalinngsobra.mp4

♬ Antukin - Rico Blanco


Napansin agad ng fans ni Andrea ang tiktok account ni Kyle Echarri dahil para sa kanila ang tiktok video ni Andrea ay tungkol sa aktor.


Samantala, makalipas ang isang araw, nag-upload si Kyle ng maikling video na tila konektado sa tiktok video ni Andrea.


Napansin ng KyleDrea fans na sinagot ni Kyle ang tiktok video ni Andrea na nagsasabing 'mahalin mo ako ng sobra sobra'.


Ayon sa background song na napili ni Kyle ay maririning ang mga salitang 'I love you, isn't it obvious?' 


@echarripapi

seryoso

♬ original sound - user33149575828


Naintindihan naman agad ng mga KyleDrea fans kung para kanino ang video na pinost ni Kyle.


Sa katunayan ang caption sa tiktok video na in-upload ni Kyle ay pinamagatang 'seryoso' na patunay na mahal na mahal niya ang taong tinutukoy niya sa kanyang tiktok video.



Sa kabilang banda, hindi pa sumasagot si Andrea Brillantes sa tiktok na ito ni Kyle Echarri, kaya patuloy na binabanggit ng fans ni Kyle ang pangalan ni Andrea.