Its Showtime Suspension Epektibo Na Ngayong Mid October!


Ang 12 araw na suspensyon para sa noontime show na It's Showtime ay magiging epektibo sa kalagitnaan ng Oktubre.


Ayon sa usap-usapan ng mga netizens at sa online community ay hindi na muling aapela ang pamunuan ng It's Showtime.


Naghain ng motion for reconsideration ang ABS CBN at GMA network ngunit noong nakaraang linggo ay itinanggi ito ng MTRCB.



Sa inilabas na pahayag ng ABSCBN kung saan sinabi nila ang mga hakbang na maaari pa nilang gawin at habang hindi pa pinal at epektibo ang pagsususpinde, palabas pa rin sa TV ang noontime show.


Samantala, may inihayag kamakailan ang entertainment portal na PEP.ph kasunod ng desisyon ng MTRCB na ibasura ang mga apela ng It's Showtime.


Ayon sa source ng PEP, hindi pa raw ito kumpirmado pero ang isa pang napabalita ay ang It's Showtime ay papalitan ng pansamantalang programa na iba ang magho-host.



Hindi na aapela sa opisina ng pangulo ang mga producers ng It's Showtime dahil hindi sila sigurado kung pabor sa kanila ang resulta.