Subscribe Us

Advertisement

Responsive Advertisement

It's Showtime, May Bagong Airing Schedule Sa GTV Channel!

Lunes, Oktubre 2, 2023


Marami ang nagtataka sa ngayon kung bakit pinuputol ang pag ere ng It's Showtime sa GTV channel na sister channel ng Kapuso network.


Sa mga hindi nakakaalam mula  12PM hanggang 2PM lang ang It's Showtime tuwing martes, miyerkules at biyernes sa GTV para magbigay daan para sa NCCA Season 99 simula September 29 hanggang December 1, 2023.


Tuwing Lunes, Huwebes at Sabado naman ay mapapanood ng kompleto ang It's Showtime sa GTV mula 12NN hanggang 3PM.



Samantala mapapanood parin ang It's Showtime sa 12NN hangang 3PM sa Kapamilya channel, A2Z channel at Kapamilya online platforms.


Hindi naman gagalaw airing schedule na 11:30 AM hangga 2:30 PM sa araw ng sabado sa Kapamilya channel, A2Z channel, Kapamilya online platforms at GTV channel.


Noong una maraming netizens ang nagtataka at nagagalit dahil pinuputol at hindi tinatapos ang programang It's Showtime sa GTV channel.



Pero sa ngayon ay naiintindihan na ito ng madlang people dahil hindi naman ito pinababayaan ng GMA ang Kapamilya noontime show.


Sa katunayan ay binisita ng GMA executive at bosses ang programang It's Showtime, isa na nga dito ang senior vice president Annette Guzon.


Sa kabila ng hinaharap na mga problema ng It's Showtime ay pinapakita parin ng GMA ang kanilang pagsupporta.

1 komento:

  1. Kaya nga naputol ang pag ere ng It’s Show Time dahil my 12 day’s suspension. Wag ng palakihin ito. Hindi nga nakaya mg ABS-CBN ang gobyerno kayo pa kaya. At bakit nanalo si VP Sara Duterte kong ang mga fans ni VG May sinbi at kung talagang bigatin kayo wag nyong igalang/sun din ni VG at Management ng ABS CBN. Tingnan ko lang Kung anong mangyari.

    TumugonBurahin