Subscribe Us

Advertisement

Responsive Advertisement

Its Showtime Magkakaroon Ng Bagong Pangalan?

Linggo, Oktubre 1, 2023


Ano kaya ang ipapalit na pangalan ng It's Showtime kapag na implement na ang suspensyon sa programa.


Hindi ito ang unang pagkakataon na napatawan ng suspensyon ang It's Showtime, noong 2010 pinatawan ng 20 days suspension. Iniba nila nuon ang pangalan ng It's Showtime kaya naka ere parin sila.


Binasura nga ng MTRCB ang apela ng It's Showtime na motion for reconsideration sa suspensyon na labing dalawang araw.



Nilinaw din ng MTRCB na naglabas na sila ng maraming warnings sa programang It's Showtime. Inilabas din ng MTRCB na pinamumunuan ni Lala Sotto na marami na silang natanggap na reklamo laban sa programa.


Nagpakita naman ng support ang ABSCBN executive na si Cory Vidanez at GMA boss Senior Vice President Annete Guzon Valdez sa opening ng isang episode ng It's Showtime.


Samantala pinag-aaralan na ng ABSCBN kung ano ang sunod na hakbang na gagawin nila sa pagpabusara ng kanilang motion for reconsideration laban sa suspensyon ng MTRCB.



Hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin mapapanood ng madlang people ang It's Showtime at hindi pa tiyak kung anong petsa na maging epektibo ang pag suspendi ng programang It's Showtime. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento