Pabor sa E.A.T at Eat Bulaga ang noontime show ratings.
Nangyari ang pagbabagong ito dahil sa mababang ratings na naranasan ng Kapamilya noontime show na It's Showtime na nahaharap sa labindalawang araw na suspensiyon na ipinataw ng MTRCB.
Ayon sa pinakahuling ratings, parehong mahigpit na kumpetisyon ang E.A.T at Eat Bulaga para sa nangungunang puwesto habang nasa ikatlong posisyon ang It's Showtime.
Napanatili ng E.A.T ang noontime lead na may ratings na 4.9% habang Eat Bulaga ay may ratings na 3.6%, bumagsak ang It's Showtime sa ratings na 2.5%.
Sa napipintong suspensiyon ng It's Showtime kasunod ng desisyon ng ABS CBN na hindi umapela sa Office of the President, asahan na natin na mas lalaki ang ratings ng E.A.T at Eat Bulaga kapag nasuspinde ang It's Showtime.
Inaasahan ng mga manonood ang ipapalit na noontime show ng It's Showtime na ang It's Your Lucky Day habang naghahanda ang It's Showtime para sa isang malakas nitong pagbabalik.